Sorry

Sa maikling panahong ginugol ng gwapong manunulat na 'to ko dito sa masayang mundo ng pagsusulat a.k.a. blogging, madami akong naranasang mga bagay. Hindi lahat masaya. Maraming kalunoslunos at totoo namang hindi ko talaga ikinatutuwa. Doon, sa nilisan kong munting tahanan, marami akong natutunan. Hindi ko sana iiwan kung hindi ko lang gustong magbagong buhay. Napamahal na din kasi sakin ang bahay ko don at ang mga taong bumibisita pero OO, Tama, gusto ko na ng bagong buhay. kaya kinailangang lumisan. Pero kapalit ng bagong buhay na hinahangad ay ang mala-ampalayang kahapong kailan may siguro hindi ko na malilimutan.

Pero di ko na 'yan babanggitin pa. Its all water under the bridge 'ika nga.

Ang mahalaga kasi ay hindi ang nakaraan kundi ang ngayon at ang panahong darating pa.

Kasabay ng pagbangong muli ay ang pagasang magiging maganda ang bukas. Pero kahit sabi ni Kuya Rey na malayo pa ang umaga, pilit ko itong pinapanalangin na sana mapatawad ako ng mga taong nagawan ko ng di magagandang bagay.

Alam nyo kung sino-sino kayo at kung anong mga kagaguhang nagawa ko. Nagpadala kasi ako sa kahinaan. Tao lang palage kong sinasabi. OO tao lang. Di ba? ako'y tao lang na nadadarang at natutukso din?....

Patawad. It all ends here.

No comments:

Post a Comment