SICK

Tapos na ang mahal na araw(S) linggo... at lunes na lunes hindi ako nakapasok sa trabaho. may sakit kasi ako. Monday sickness... in short katamaran.

Pero totoo. May sakit ako kaninang umaga. Masakit ang ulo at di makabangon sa kama. panu may 2 kulaning nagmumura sa ilalim ng panga ko. kahapon isa lang syang nagpapakasaya pero di ata nakuntento at nanghikayat pa ng isa. kaya 2 na sila ngayon. Sila ang kalaban ng walang kwenta kong immune system sa ansarap bigyan ng magasawang sampal sabay pompyang dahil di ginagawang proteksyonan ang mala-hosto kong katawan.

Namamaga. masakit. o hindeh! Ganito na nga talaga yata kapag tumatanda. Rumurupok ang katawan at tila madali nang dapuan ng kung anu anong karamdaman.

Magpapacheck up na ko bukas kung saka-sakaling hindi pa sila titino.

1 comment:

Bloom said...

i soooooo knew it! hahaha.. iba talaga instincts brad! hahahaha.. Magkapatid yata tayo talaga last buhay natin. bahahahahaha!

Post a Comment